Tsina, magbibigay ng mas malaking ambag sa mapayapang paggagalugad at paggamit ng kalawakan

2020-11-25 16:02:22  CMG
Share with:

Kaugnay ng matagumpay na paglulunsad ng Tsina sa Chang'e-5 Lunar Probe, sinabi kahapon, Martes, ika-24 ng Nobyembre 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mapayapang paggagalugad at paggamit ng kalawakan ay komong usapin ng buong sangkatauhan, at dapat itong magdulot ng mga benepisyo sa buong sangkatauhan.

 

Nakahanda ang Tsina na magbigay ng mas malaking ambag sa aspektong ito, saad ni Zhao.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method