SCO, palalalimin ang pragmatikong kooperasyon

2020-12-01 16:23:50  CMG
Share with:

SCO, palalalimin ang pragmatikong kooperasyon

Palalalimin ng mga miyembro ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) ang pragmatikong kooperasyon sa mga aspekto ng kabuhayan, kalakalan, at iba pa.

 

Ito ay ayon sa mga pinagtibay na mga dokumentong pangkooperasyon at resolusyon sa idinaos Ika-19 na Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan ng mga Kasaping Bansa ng SCO na ginanap ika-30 ng Nobyembre 2020.

 

Ayon pa rin sa komunike na inilabas ng video conference, dapat magkakasamang suportahan at pasulungin ang multilateral na sistema ng kalakalang may prinsipyo ng pagiging tranparent, bukas, inklusibo, makatarungan, at walang pagtatangi; at gawing nukleo ang mga tuntunin ng World Trade Organization.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method