Xi Jinping, bumati sa ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng Tsinghua SEM Advisory Board; ihinayag ang kahandaan sa pandaigdigang kooperasyon sa maraming larangan

2020-12-04 11:32:46  CMG
Share with:

Ginanap sa Beijing nitong Huwebes, Disyembre 3, 2020 ang pulong ng Tsinghua University School of Economics and Management (SEM) Advisory Board sa taong 2020.
 

Sa pamamagitan ng video link, nagtalumpati sa pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bilang pagbati sa ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng naturang advisory board.
 

Tinukoy ni Xi na kumakalat pa rin sa buong mundo ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), bagay na nagbunsod ng malubhang epekto sa kabuhayang pandaigdig.

Xi Jinping, bumati sa ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng Tsinghua SEM Advisory Board; ihinayag ang kahandaan sa pandaigdigang kooperasyon sa maraming larangan

Dapat palakasin aniya ng iba’t ibang bansa ang pagkakaisa at pagtutulungan, igiit ang multilateralismo, at magkasamang harapin ang mga hamon.
 

Saad niya, binubuo ng Tsina ang “dual circulation” economic paradigm kung saan ang mahalagang elemento ay domestikong sirkulasyon, at maaaring pasulungin ng isa’t isa ang sirkulasyong domestiko at internasyonal. Buong tatag na palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas, mas aktibong makiki-isa sa pamilihang pandaigdig, ibabahagi sa iba’t ibang bansa ang pagkakataong pangkaunlaran, at gagawin ang ambag para sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.
 

Para rito, nakahanda ang Tsina na patuloy na palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungang pandaigdig, sa larangan ng edukasyon at siyensiya’t teknolohiya, dagdag ni Xi.
 

Salin: Vera

Please select the login method