Pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati kay Maha Vajiralongkorn; relasyong Sino-Thai mabunga

2020-12-05 14:55:59  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati kay Maha Vajiralongkorn, Hari ng Thailand tungkol sa pambansang araw ng bansang ito, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na maalwang umuunlad ang relasyong Sino-Thai, at kapansin-pansin ang kanilang natamong bunga sa magkakasamang konstruksyon ng “Belt and Road.”

 

Ani Xi, sa harap ng hamong dulot ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nagtutulungan ang mga pamahalaan at mamamayan ng dalawang bansa at magkakasamang nagpupunyagi para mapawi ang kasalukuyang kahirapan.

 

Ipinagdiinan pa niya ang kanyang lubos na pagpapahalaga sa pag-unlad ng relasyong Sino-Thai. Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ng haring Thai para mapasulong pa ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method