14℃
Beijing

Taunang pulong ng 2021 WEF, gaganapin sa Singapore

2020-12-08 11:00:42  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Lunes, Disyembre 7, 2020 ng World Economic Forum (WEF) na dahil sa kasalukuyang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), gaganapin sa Singapore mula Mayo 13 hanggang 16,   ang 2021 WEF.
 
Ayon sa proklamasyong inilabas nang araw ring iyon ng WEF, ang pagbabago ng lugar na pagdarausan ng nasabing pulong ay naglalayong pangalagaan ang kalusugan at seguridad ng mga kalahok at mga mamamayan sa lugar ng pulong. Anito, ang Singapore ay itinuturing na pinakamabuting lugar para sa pulong.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method