14℃
Beijing

Tsina nakahandang pangalagaan, kasama ng Rusya, ang multilateralismo

2020-12-11 17:38:01  CMG
Share with:

 

 

Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Rusya at iba pang bansa ng daigdig, para magkakasamang pangalagaan ang multilateralismo at pairalin ang katarungan sa buong daigdig.

 

Ipinahayag ito Disyembre 10, 2020, sa preskon sa Beijing  ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

Tsina nakahandang pangalagaan, kasama ng Rusya, ang multilateralismo

Sa kanyang pagdalo sa video conference  ng Konseho ng Ugnayang Panlabas ng Rusya na idinaos Disyembre 8, 2020, ipinahayag ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na di-tanggap ang mga bansang kanluranin ang obdyektibong katotohanan kung saan binubuo ngayon ang multi-polar na daigdig, na nagbubukod sa Tsina at Rusya, at isinasama mga bansa sa isang unipolar na mundo sa pamumuno ng Amerika. Pero, hindi papadaig ang Tsina at Rusya sa pagtatangkang ito.

 

Hinggil dito, sinabi ni Hua na ito ay lubos na nagpakita ng komong mithiin ng karamihang bansa ng komunidad ng daigdig.

 

Tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na may iisang sistema lang sa buong daigdig, at ito'y ang pandaigdigang sistemang nasa sentro ang United Nations (UN). May iisang batas ang sinusunod ng daigdig, at ito'y batayan ng pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig na batay sa  UN Charter, saad ni Hua.

 

Salin:Sarah

Koment( Komento)

Please select the login method