UN, nanawagang planuhin ang bagong landas na pangkaunlaran, para mapahupa ang presyur sa kalikasan

2020-12-16 16:16:17  CMG
Share with:

Inilabas nitong Martes, Disyembre 15, 2020 ng United Nations Development Programme (UNDP) ang Human Development Report 2020 na pinamagatang “The Next Frontier: Human Development and the Anthropocene.”
 

Hinimok sa nasabing ulat ang buong mundo na isagawa ang mabisang hakbangin, para mapahupa ang presyur sa kapaligiran at kalikasan na dulot ng pag-unlad ng lipunan ng sangkatauhan, at planuhin ang bagong landas na pangkaunlaran.
 

Sinabi ni Achim Steiner, Direktor ng UNDP, na sa kalagayan ng pagkalat ng pandemiya ng COVID-19, pagtaas ng temperatura sa buong mundo at pagsidhi ng di-pagkakapantay-pantay, panahon na ngayon para muling ipaliwanag ang magiging nilalaman ng pag-unlad ng buong mundo.
 

Salin: Vera

Please select the login method