14℃
Beijing

Kasunduan ng Tsina at Rusya hinggil sa pagpapabatid sa isa't isa ng paglulunsad ng ballistic missiles at space missile carriers, hahaba ng 10 taon: bagong protokol, nilagdaan

2020-12-17 16:44:13  CMG
Share with:

Ayon sa protokol na nilagdaan kamakailan ng Tsina at Rusya ng 10 taong pahahabain ang kasunduan ng dalawang bansa hinggil sa pagpapabatid sa isa't isa ng paglulunsad ng  ballistic missiles at space missile carriers.

 

Hinggil dito, ipinahayag Disyembre 16, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ipinapakita ng protokol na ito ang mataas na lebel at pagka-espesyal ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Rusya sa bagong panahon.

Kasunduan ng Tsina at Rusya hinggil sa pagpapabatid sa isa't isa ng paglulunsad ng ballistic missiles at space missile carriers, hahaba ng 10 taon: bagong protokol, nilagdaan

Dinulot aniya nito ang positibong enerhiya para sa pangangalaga sa pandaigdigang sistema ng pagkontrol sa sandata, at malakas na iginagarantiya ang estratehikong katatagan ng buong mundo.

 

Nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Rusya, para walang humpay na pabutihin ang relasyon ng dalawang bansa; palalimin ang aktuwal na kooperasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa, para magbigay ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa; at magbigay ng mas malaking ambag para sa katatagan at kapayapaan ng buong daigdig.

 

Salin:Sarah

Koment( Komento)

Please select the login method