New York, posibleng maharap sa full lockdown dahil sa pagsidhi ng kalagayan ng pandemiya

2020-12-17 15:12:28  CMG
Share with:

Nitong Lunes, Disyembre 14, local time, 2020, sinabi ni Bill de Blasio, Mayor ng New York City, Amerika, na dahil sa pagsidhi ng kalagayan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), posibleng isagawa ng New York ang full lockdown.
 

Saad ni de Blasio, walang katulad ang bilis ng pagkalat ng virus sa New York, sapul noong nagdaang Mayo, at dapat umaksyon upang pigilan ang ganitong tunguhin.
 

Aniya, ang pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga residente ay priyoridad ng kanyang pamahalaan.
 

Salin: Vera

Please select the login method