Pangalawang pirmihang kinatawan ng Tsina sa UN, nanawagan sa Palestina at Israel na muling mag-usap

2020-12-22 15:00:33  CMG
Share with:

Sa video conference ng United Nations Security Council (UNSC) ukol sa isyu ng Gitnang Silangan na ginanap nitong Lunes, Disyembre 21, 2020, nanawagan si Gen Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, sa Palestina at Israel na simulang muli ang diyalogo.
 

Saad ni Geng, sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, dapat lubos na pahalagahan ng komunidad ng daigdig ang epekto ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa kabuhayan at makataong kalagayan ng Palestina.
 

Hinahangaan aniya ng panig Tsino ang walang humpay na pagsisikap ng UN Relief and Works Agency for Palestine Refugees in the Near East (UNRWA) para sa pagpapabuti ng makataong kalagayan ng Palestina. Aniya, pagpasok ng kasalukuyang taon, ipinagkaloob ng Tsina ang maraming batches ng materyal kontra pandemiya sa panig Palestino, ipinadala ang grupo ng mga dalubhasang medikal, at iniabuloy ang pondo sa UNRWA.
 

Dagdag ni Geng, nakahanda ang panig Tsino na magpunyagi, kasama ng komunidad ng daigdig, upang maisakatuparan sa lalong madaling panahon ang komprehensibo, makatarungan at pangmatagalang pagresolba sa isyu ng Palestina.
 

Salin: Vera

Please select the login method