14℃
Beijing

Maligayang Pasko! Pagbati mula sa mga estudyante ng BFSU

2020-12-24 09:41:43  CMG
Share with:

 

Sa kabila ng mga pagsubok at kaligaligan sa taong 2020, heto na ang Pasko at Bagong Taon ng 2021.

 

Nawa kasabay ng pagsasalu-salo ng noche buena, mahahawi ang madilim na mga ulap at sisinag ang liwanag ng kapayapaan at pagkakaunawaan. Kasabay ng pagdating ng Pasko at Bagong Taon, mananaig ang pagmamahal at pagdamayan.

 

Nag-uumapaw ng magandang hangarin, inihandog ng mga guro at estudyante ng Philippine Studies Program ng Beijing Foreign Studies University (BFSU) ang kanilang Bating Pamasko at Pambagong-Taon sa lahat ng mga kaibigang Pinoy. Kinanta nila ang awiting Jingle Bells sa wikang Filipino.

 

Maligayang Pasko! Pagbati mula sa mga estudyante ng BFSU

Maligayang Pasko! Pagbati mula sa mga estudyante ng BFSU

 

Ang BFSU ay isa sa tatlong pamantasan ng Tsina na may programang Philippine Studies. Ang dalawang iba pa ay ang Peking University at Yunnan Minzu University.

 

Ulat: Jade

Pulido: Mac

Video: Wang Haixu, estudyante ng Philippine Studies Program ng BFSU

Espesyal na pasasalamat sa mga guro at mag-aaral ng Philippine Studies Program ng BFSU

Koment( Komento)

Please select the login method