14℃
Beijing

27, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland; 15, domestikong kaso

2020-12-29 16:11:59  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 27 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Lunes, Disyembre 28, 2020.
 

Kabilang dito, 15 ang domestikong kaso (8 sa Lalawigang Liaoning at 7 sa Beijing) samantala, 12 ang nagpositibo na galing sa labas ng bansa.
 

Walang pumanaw sa araw na ito, at sero ang bagong pinaghihinalaang kaso.
 

Sa loob ng 24 oras, 348 ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland.
 

Salin: Vera

Koment( Komento)

Please select the login method