Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bumigkas ng talumpati ng pagtitipon para sa Bagong Taon ng CPPCC; mga tagumpay ng 2020 sinariwa, plano sa 2021 inilahad

2021-01-01 11:39:45  CMG
Share with:

Idinaos Disyembre 31, 2020, sa Beijing, ang Pagtitipon para sa Bagong Taon ng Pambansang Komite ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC).

Si Pangulong Xi Jinping ay dumalo sa pagtitipon. Bumigkas siya ng talumpati.

Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bumigkas ng talumpati ng pagtitipon para sa Bagong Taon ng CPPCC; mga tagumpay ng 2020 sinariwa, plano sa 2021 inilahad_fororder_cppcc

 Dumalo rin sa pagtitipon sina Li Keqiang, Li Zhanshu, Wang Yang, Wang Huning, Zhao Leji, Han Zheng at Wang Qishan.

 

Sa kanyang talumpati, ipinadala ni Xi ang pagbati ng maligayang bagong taon sa mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng Tsina, mga overseas Chinese, at mga kaibigan ng Tsina sa daigdig.

 

Sinariwa rin ni Xi sa talumpati ang mga bunga na natamo ng Tsina at mga mamamayang Tsino sa taong 2020. Sinabi rin niyang sa 2021, maringal na ipagdiriwang ng Tsina ang Ika-100 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), itatakda at isasagawa ang Ika-14 Panlimahang Taong Plano, at patuloy na magsisikap para sa komprehensibong pagkakatatag ng modernong soyalistang bansa.

 

Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bumigkas ng talumpati ng pagtitipon para sa Bagong Taon ng CPPCC; mga tagumpay ng 2020 sinariwa, plano sa 2021 inilahad_fororder_cppcc02

Salin:Sarah

Please select the login method