“Lying diplomacy”ni Mike Pompeo, tiyak na pananagutan niya sa kasaysayan — Tsina

2021-01-09 10:31:34  CMG
Share with:

Walang patid ang pag-Tweet ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na nagsasabing kumpara sa mga dating pamahalaan, mas maraming impormasyon ang inilabas ng kasalukuyang pamahalaang Amerikano tungkol sa bantang  hatid ng Tsina sa Amerika.
 

Kaugnay nito, sinabi nitong Biyernes, Enero 8, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na  ang “lying diplomacy” at pangunahing tampok sa termino ni Pompeo. Tiyak aniyang pananagutan niya  ito ng kasaysayan. 
 

Ani Hua, sa loob ng termino ni Pompeo, sa pamamagitan ng“lying diplomacy,” mas malaking pinsala ang idinudulot ni Pompeo sa relasyon ng Amerika sa ibang bansa, imahe at reputasyon ng Amerika, kumpara sa lahat ng dating pamahalaan nito. 
 

Ito ang unibersal na pagkakasundo ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng mga Amerikanong malinaw na nakikita ang naturang gawi,  dagdag niya. 
 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method