WHO: 3/4 populasyon sa buong daigdig, walang laban sa COVID-19

2021-01-09 10:36:49  CMG
Share with:

Sa regular na preskong idinaos nitong Biyernes, Enero 8 (local time), 2021 ng World Health Organization (WHO), ipinahayag ni Michael Ryan, Direktor ng WHO Health Emergencies Programme, na mabilis pa ring kumakalat ang corona virus. Mahirap aniyang alamin ang aktuwal na bilang na nakahawa ng COVID-19, ngunit nananatili pa ring vulnerable o madaling mahawahan ng COVID-19 ang 3/4 ng populasyon ng buong daigdig.
 

Dagdag pa niya, magpapatuloy ang pagkalat ng virus, kaya dapat kontrulin ang pandemiya.  

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method