14℃
Beijing

Eroplano ng pampasehro ng Indonesya, bumagsak sa karagatan

2021-01-10 11:03:46  CMG
Share with:

Kinumpirma kagabi, Sabado, ika-9 ng Enero 2021, ni Budi Karya Sumadi, Ministro ng Transportasyon ng Indonesya, na bumagsak sa araw na ito sa karagatan sa dakong hilaga ng Jakarta ang isang Boeing 737 ng Sriwijaya Air na may lulang 62 katao.

 

Sinabi ni Sumadi, na isinasagawa ngayon ang paghahanap at pagliligtas sa karagatan kung saan bumagsak ang nasabing eroplano, at narekober na ang ibang labi ng eroplano at bangkay ng mga biktima.

 

Nagsimula na rin aniya ang imbestigasyon sa dahilan ng pagbagsak ng eroplano.

 

Salin: Liu Kai

Koment( Komento)

Please select the login method