14℃
Beijing

Mahigit 90 milyon, kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo

2021-01-11 16:36:09  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos nitong Linggo, Enero 10, 2021 ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang 15:22H Eastern Standard Time ng Amerika, lumampas na sa 90 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
 

Samantala, 1,931,571 ang kabuang bilang ng mga pumanaw.
 

Ipinakikita ng datos na 22,293,281 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at 373,588 naman ang mga pumanaw.
 

Pinakamarami sa daigdig ang nasabing dalawang datos.
 

Salin: Vera

Koment( Komento)

Please select the login method