14℃
Beijing

Draft Article of Impeachment laban kay Donald Trump, isinumite ng mga Congressional Democrats

2021-01-12 14:35:08  CMG
Share with:

Pormal na isinumite nitong Lunes, Enero 11, 2021 ng American Congressional Democrats ang Draft Article of Impeachment laban kay Pangulong Donald Trump kung saan inakusahan si Trump ng “pag-udyok ng himagsikan,” “panghihimasok sa mapayapang paglilipat ng kapangyarihan,” at iba pa.
 
Ayon sa American media, ito ang unang hakbang ng pagsisimula ng mga Democrats ng impeachment process. Kasunod nito ay ang pagkuha ng kinakailangang nakakaraming boto ng suporta para pagtibayin ang Article of Impeachment.
 
Samantala, kasalukuyang pinag-iisipan ng maraming Republican congressmen ang pagsuporta sa nasabing impeachment.

 

Salin: Lito

Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method