14℃
Beijing

Jordan, sisimulan ang malawakang pagbabakuna laban sa COVID-19; bakuna ng Sinopharm, gagamitin

2021-01-12 17:04:51  CMG
Share with:

Ayon sa Ministri ng Kalusugan ng Jordan, sisimulan bukas, ika-13 ng Enero 2021, sa bansang ito ang malawakang pagbabakuna laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ayon naman sa salaysay, ang bakunang gagamitin ng Jordan ay galing sa Sinopharm ng Tsina.

 

Nitong Enero 9, pinahintulutan ng Jordan Food and Drug Administration para sa pangkagipitang paggamit ang bakuna ng Sinopharm.

 

Pagkatapos, dumating nang araw ring iyon ng Jordan ang unang pangkat ng bakunang ito.

 

Salin: Liu Kai

Koment( Komento)

Please select the login method