14℃
Beijing

CMG Komentaryo: masasamang rasistikong kilos ng Amerika, dapat itama

2021-01-14 15:09:27  CMG
Share with:

Bagong matapos ang termino ng kasalukuyang pamahalaang Amerikano, sinimulang lutuin ng ilang pulitikong Amerikano ang mga tsismis hinggil sa Xinjiang, upang bahiran putik ang reputasyon ng Tsina.
 

Ipinakalat nila ang bali-balitang di-umano’y isinasagawa sa Xinjiang ang “genocide,” at dapat isabalikat ng pamahalaang Tsino ang pananagutan.
 

Pero ayon sa datos, mula 10.17 milyon noong 2010, tumaas sa 12.72 milyon ang populasyon ng lahing Uygur noong 2018.
 

Ipinakikita nito ang 25.24% na paglaki ng bilang mga lahing Uygur.
 

Ang bahagdan ng paglaki nito ay hindi lamang mas mataas kaysa paglaki ng populasyon ng buong Xinjiang, kundi mas mataas din kaysa 2% bahagdan ng pagtaas ng populasyon ng lahing Han (mayoryang nasyon ng mga Tsino) sa gayunding panahon.
 

Ito ay bunga ng positibo’t mabisang patakaran ng pamahalaang Tsino sa pangangasiwa sa Xinjiang.
 

Sa kabilang dako, patuloy na sumasama ang mga gawain ng Amerika sa larangan ng karapatang pantao, at tunay na nangingibabaw sa bansa ang diskriminasyong panlahi.
 

Sanhi ng mga kaukulang patakaran ng Amerika, bumaba sa 250,000 ang populasyon ng mga Indian sa Amerika noong unang dako ng ika-20 siglo, mula 5 milyon noong 1492.
 

Pagdating naman sa kasalukuyang panahon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ang infection rate at death rate ng mga African-American ay 5 ulit na mas mataas kaysa sa mga Caucasian; samantalang 4 na beses namang mas mataas ang datos sa mga Latino.
 

Bukod dito, madalas na pinag-uusapan ng mga pulitikong Amerikano ang “pakikipagkaibigan” sa mga bansang Muslim, subalit sa katuwiran ng paglaban sa terorismo, inilunsad nila nitong nakalipas na ilang taon ang mga digmaan at kagulugan sa mga bansang Muslim na gaya ng Iraq, Syria, Libya, Afghanistan at iba pa - bagay na humantong sa milyung-milyong kasuwalti ng mga inosenteng sibilyan.
 

Sa kabila ng kanilang pagkiling at pagtatangi sa mga Muslim at pagbubulag-bulagan sa malungkot na karanasan ng mga Indian sa sariling bansa, ang mahalagang katanungang kailangang masagot ay:  totoo ba ang di-umano’y pagpapahalaga sa Xinjing ng mga pulitikong Amerikano?
 

Salin: Vera

Koment( Komento)

Please select the login method