14℃
Beijing

Davos Agenda ng WEF, makakatuon sa muling pagtatayo ng tiwala ng iba’t ibang panig

2021-01-19 15:42:57  CMG
Share with:

Ipinatalastas nitong Lunes, Enero 18, 2021 ng World Economic Forum (WEF) na gaganapin ang virtual dialogue ng Davos Agenda mula ika-25 hanggang ika-29 ng buwang ito.
 

Ang tema ng diyalogong ito ay "A Crucial Year to Rebuild Trust."
 

Lalahok dito ang mahigit 1,500 lider ng sirkulong pulitikal at komersyo at mga organisasyong panlipunan mula sa mahigit 70 bansa’t rehiyon ng daigdig, para analisahin ang mga hamong kinakaharap ng mundo sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at hanapin ang solusyon sa magkakasamang paglaban sa pandemiya at pagpapanumbalik ng kabuhayan.
 

Salin: Vera

Koment( Komento)

Please select the login method