Tsina, umaasang maayos na idaraos ang mga halalan sa Palestina

2021-01-23 11:04:19  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, ipinatalastas kamakailan ni Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina na idaraos sa Mayo 22, 2021 ang halalan ng Komisyong Lehislatibo ng bansa.  Idaraos naman ang halalang pampanguluhan sa Hulyo 31, at gaganapin din ang halalan ng Pambansang Kongreso ng Palestina, pinakamataas na makapangyarihang organo ng Palestine Liberation Organization. 

Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Biyernes, Enero 22, 2021 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Tsina ay mabuting kaibigan at katuwang ng Palestina. 

Umaasa aniya siyang maayos na maidaraos ang mga nasabing halalan ng Palestina at mapapalalim ang pagkakaisa ng bansa para mas mabuting mapangalagaan at mapasulong ang kapakanan ng mga mamamayang Palestino.

Salin: Lito

Pulido: Mac

Please select the login method