Ika-9 na round ng pag-uusap sa antas ng komander ng mga tropa ng Tsina at India, ginanap

2021-01-26 15:22:46  CMG
Share with:

Ginanap nitong Linggo, Enero 24, 2021 ang ika-9 na round ng pag-uusap sa antas ng komander ng mga tropa ng Tsina at India.
 

Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang kapuwa panig hinggil sa disengagement sa Line of Actual Control sa kanlurang bahagi ng purok-hanggahan ng dalawang bansa.
 

Kapuwa ipinalalagay nilang positibo, pragmatiko at konstruktibo ang nasabing pag-uusap, at ibayo pang pinahigpit ang pagtitiwalaan at pag-uunawaan ng kapuwa panig.
 

Sinang-ayunan ng magkabilang panig na pasulungin sa lalong madaling panahon ang disengagement ng mga tropa sa frontline, patuloy na panatilihin ang tunguhin ng diyalogo at talastasan, at idaos sa lalong madaling panahon ang ika-10 round ng pag-uusap sa antas ng komander.
 

Salin: Vera

Please select the login method