Pangulong Xi ng Tsina, ipinaabot ang pagbati kay Yoweri Museveni sa kanyang muling pagkakahalal bilang Pangulo ng Uganda

2021-01-27 16:59:07  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Enero 27, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Yoweri Museveni bilang pagbati sa kanyang muling panunungkulan bilang pangulo ng Uganda.

 

Sinabi ni Xi na ang Tsina at Uganda ay mayroong tradisyonal na pagkakaibigan, at may mabungang kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

 

Patuloy rin aniya ang kooperasyon ng dalawang panig sa harap ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pag-unlad ng relasyon sa Uganda, saad ni Xi.

 

Kasama ang Uganda, nakahandang magsikap ani Xi ang Tsina para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng komprehensibong partnership ng dalawang panig upang magdulot ng benepisyo at pag-unlad sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Please select the login method