Ayon sa pagtaya ng World Economic Situation and Prospects 2021 na ipinalabas Enero, 25, 2021, ng United Nations (UN), lalaki ng 4.7% ang kabuhayang pandaigdig sa 2021.
Tinaya rin ng ulat na lalaki ng 7.2% ang kabuhayan ng Tsina sa nasabing taon, na magdudulot ng 6.4% na paglaki ng buong rehiyon ng Silangang Asya.
Binigyan-diin sa ulat na ang paghulagpos ng buong daigdig mula sa epekto ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) at pagsasakatuparan ng pagbangon ng kabuhayan, ay nakadepende, hindi lamang sa mga hakbangin ng pagpapasigla sa ekonomiya at pagpapalabas ng bakunang laban sa COVID-19, kundi rin sa kakayahan ng mga hakbangin sa paglaban sa negatibong epekto sa hinaharap.
Salin:Sarah