Palitan ng Kyat ng Myanmar, malaki ang ibinaba

2021-02-04 16:07:31  CMG
Share with:

 

 

Ayon sa Samahan ng Industriya ng Bangko ng Myanmar, bumalik na sa normal na operasyon ang lahat ng bangko sa loob ng bansa simula Pebrero 2, 2021.

 

Ngunit, malaki anito ang ibinaba ng palitan ng Kyat, salapi ng Myanmar kontra sa Dolyar ng Amerika.

 

Hanggang sa kasalukyan, wala pang anumang inilalabas na patakaran hinggil dito ang Bangko Sentral ng Myanmar, dagdag ng samahan.

 

Hanggang sa hapon ng Pebrero 3, 2021, nananatiling sarado ang ilang ahensya ng Foreign Money Exchange sa Yangon.

 

Salin:Sarah

Please select the login method