Xi Jinping, binati ang lahat ng mga Tsino para sa Chinese New Year

2021-02-06 12:35:09 CMG
Share with:

Xi Jinping, binati ang lahat ng mga Tsino para sa Chinese New Year_fororder_139724297_16125342368691n

Sa kanyang paglalakbay-suri kamakailan sa lalawigang Guizhou, binati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang lahat ng mga mamamayan ng iba't ibang etniko ng bansa kaugnay ng nalalapit na Chinese New Year o Spring Festival sa darating na Pebrero 12.

"Nais kong iabot ang bating pang-Spring Festival sa lahat ng mga mamamayan ng iba't ibang etniko sa buong bansa. Sana'y magkaroon ang lahat ng mabuting kalusugan, maligayang pamilya, matagumpay na trabaho, at masaganang Taon ng Baka. Nais ko ring lalo pang umunlad ang dakilang inangbayan, at lalo pang gumanda ang mga bundok at ilog nito." sabi ni Xi.

Sa naturang pagbisita mula Miyerkules hanggang Biyernes, dinalaw ni Xi sa isang nayon, isang residential community at isang supermarket sa lunsod ng Bijie at punong lunsod ng Guiyang ng lalawigang Guizhou.

Salin: Liu Kai

Please select the login method