14℃
Beijing

Presidente ng IOC, pinasalamatan ang CMG sa pagsuporta sa usapin ng Olimpiyada

2021-02-08 17:10:50  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng ipinadala nitong Pebrero 4, 2021, kay Presidente Shen Haixiong ng China Media Group (CMG), pinasalamatan ni Presidente Thomas Bach ng International Olympic Committee (IOC) ang CMG sa matagal nitong pagsuporta sa usapin ng Olimpiyada.

 

Kinumusta rin niya ang lahat ng mga empleyado ng naturang media organization.

 

Binigyang-diin ni Bach, na bagama't nagdulot ng maraming hamon ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nananalig pa rin siyang handa-handa na ang buong Tsina para tanggapin ang mga pinakamagaling na atleta ng winter sports ng buong daigdig na kalahok sa Olympic at Paralympic Winter Games Beijing 2022.

 

Salin: Liu Kai

Koment( Komento)

Please select the login method