14℃
Beijing

Wang Yi, ipinagdiinan ang all-round cooperation sa EU pagkatapos ng talastasan sa kasunduan sa pamumuhunan

2021-02-09 14:52:25  CMG
Share with:

Sa kanyang video conference kasama ni Josep Borrell, High Representative for Foreign Affairs and Security Policy ng Unyong Europeo (EU), ipinagdiinan ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na noong 2020, umunlad ang relasyong Sino-Europeo sa kabila ng hamong dulot ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at mabungang mabunga ang diyalogo’t kooperasyon ng kapuwa panig.

Wang Yi, ipinagdiinan ang all-round cooperation sa EU pagkatapos ng talastasan sa kasunduan sa pamumuhunan_fororder_20210209WangYiEU1

Saad ni Wang, noong katapusan ng nagdaang taon, magkasamang ipinatalastas ng mga lider na Tsino’t Europeo ang pagpapatupad ng talastasan sa kasunduan sa pamumuhunan. Dapat samantalahin aniya ng kapuwa panig ang pagkakataon, palakasin ang komprehensibong diyalogo at kooperasyon, igiit ang tunay na multilateralismo, magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig, at pasulungin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Europa sa bagong antas.
 

Diin niya, dapat palakasin din ng magkabilang panig ang sinerhiya ng estratehiyang pangkaunlaran, at palalimin ang green at digital partnership.

Wang Yi, ipinagdiinan ang all-round cooperation sa EU pagkatapos ng talastasan sa kasunduan sa pamumuhunan_fororder_20210209WangYiEU2

Sinabi naman ni Borrell na kailangang-kailangan at di-mahahalinhan ang kooperasyong Sino-Europeo. Nakahanda aniya ang panig Europeo na palakasin ang kooperasyon sa Tsina sa mga larangang gaya ng pagbabago ng klima, pangangalaga sa kapaligiran, pangangalaga sa biodiversity, palakasan at iba pa, pasulungin ang proseso ng paglagda at pag-aaproba sa kasunduan sa pamumuhunan ng kapuwa panig, at palalimin ang kooperasyon sa Tsina sa bakuna, para tulungan ang mga umuunlad na bansa na pagtagumpayan ang pandemiya.
 

Salin: Vera

Koment( Komento)

Please select the login method