Kapansin-pansing progreso, natamo ng Xinjiang — opisyal ng Kambodya

2021-02-10 10:39:15  CMG
Share with:

Sinabi nitong Martes, Pebrero 9, 2021 ni Ek Tha, Pangalawang Tagqpangulo ng Royal Government Spokesperson Unit ng Kambodya, na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling matatag ang situwasyon sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Uygur ng Xinjiang ng Tsina, at natamo nito ang kapansin-pansing pag-unlad sa iba’t-ibang aspekto.
 

Sa isang nakasulat na panayam sa Xinhua News Agency, ipinahayag ni Ek Tha na malinaw na tumataas ang lebel ng pamumuhay ng mga mamamayan sa Xinjiang, at natamo ng usapin ng pagbabawas ng karalitaan ang mapagpasiyang tagumpay.
 

Nananalig aniya siyang sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaang Tsino, magtutuluy-tuloy ang kapayapaan at katatagan sa Xinjiang para maisakatuparan ang mas malaking pag-unlad.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method