14℃
Beijing

Xi, nagpahayag ng bati para sa Pestibal ng Tagsibol sa mga mamamayang Tsino

2021-02-11 16:24:47  CMG
Share with:

Xi, nagpahayag ng bati para sa Pestibal ng Tagsibol sa mga mamamayang Tsino_fororder_139735711_16129624056631n

 

Ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang bati para sa Chinese New Year o Pestibal ng Tagsibol sa sambayanang Tsino.

 

Sa isang resepsyon na inihandog ng Konseho ng Estado ng Tsina, inabot ni Xi ang pagbati at magandang hangaring pang-Bagong Taong Tsino sa lahat ng kababayan sa apat na sulok ng daigdig.

 

Xi, nagpahayag ng bati para sa Pestibal ng Tagsibol sa mga mamamayang Tsino_fororder_139735711_16129624057121n

 

Sa kanyang talumpati, nilagom din ni Xi ang mga natamong bunga ng bansa noong taong 2020.

 

Ang 2021 ay Year of the Ox, ayon sa tradisyonal na kalendaryong Tsino.

 

Ani Xi, sa kulturang Tsino, ang baka o ox ay sagisag ng kasipagan, ambag, pagpupunyagi, at lakas. Panawagan niya na patingkarin ang diwa ng baka para paglingkuran ang mga mamamayan, at ipagpatuloy ang inobasyon at kaunlaran sa kabila ng kahirapan at pagsubok, tungo sa pag-ahon ng nasyong Tsino.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Koment( Komento)

Please select the login method