Peng Liyuan, nagpadala ng liham sa German high school Burg Gymnasium

2021-02-11 11:31:19  CMG
Share with:

Peng Liyuan, nagpadala ng liham sa German high school Burg Gymnasium_fororder_20210211PengLiyuan550

Ipinadala nitong Martes, Pebrero 9, 2021 ni Peng Liyuan, asawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang liham sa mga guro at estudyante ng Burg Gymnasium, isang German high school para hikayatin silang magbigay ng bagong ambag para sa pagpapalakas ng pagkakaibigan ng mga mamamayang Sino-Aleman.
 
Sa liham, sinabi ni Peng na kasalukuyang kumakalat pa ang pandemiya ng COVID-19 sa buong daigdig, at lubos niyang ikinababahala ang kalusugan ng mga estudyante. Umaasa aniya siyang mapapabuti ng mga estudyante at kanilang kamag-anakan ang proteksyon sa sarili.
 
Diin pa niya, kung magkakasamang magsisikap ang mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa, tiyak na mapagtatagumpayan ang COVID-19.
 
Ang Burg Gymnasium ay matatagpuan sa Essen, lunsod ng Nordrhein-Westfalen ng Alemanya. Ito ang isa sa 12 pinakamatandang public middle school sa Alemanya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method