14℃
Beijing

Pangulo ng Chile, tinurukan ng bakunang Tsino laban sa COVID-19

2021-02-13 14:14:53  CMG
Share with:

Nagpainiksyon nitong Biyernes, Pebrero 12, 2021 si Pangulong Sebastian Pinera ng Chile ng unang dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinebelop ng Sinovac Biotech Ltd. ng Tsina.
 

Sa pagkakataong ito, ipinadala niya sa publiko ang mensahe ng kompiyansa sa CoronaVac vaccine ng Sinovac.
 

Inilunsad ng Chile ang malawakang pagbabakuna noong ika-24 ng nagdaang Disyembre. Hanggang nitong Huwebes, mahigit 1.5 milyong mamamayan sa bansa ang binakunahan kontra COVID-19.
 

Salin: Vera

Koment( Komento)

Please select the login method