Presidente ng IOC, nagpadala ng bating pam-Bagong Taong Tsino kay Xi Jinping at mga mamamayang Tsino

2021-02-13 08:47:11  CMG
Share with:

Bumati kahapon, Biyernes, ika-12 ng Pebrero 2021, si Presidente Thomas Bach ng International Olympic Committee (IOC), kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina at mga mamamayang Tsino, ng maligayang Bagong Taong Tsino.

 

Dagdag ni Bach, mahalaga ang taong ito para sa 2022 Beijing Winter Olympics. Muli niyang ipinahayag ang pananalig sa matagumpay na pagtataguyod ng Tsina ng palarong ito, at umaasa siyang matatamo ng mga atletang Tsino ang magandang resulta sa palaro.

 

Hinahangaan din ni Bach ang pagsuporta ni Xi sa pagpapalaganap ng winter sports sa Tsina.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method