2021 CMG Spring Festival Gala, kinagiliwan ng mga manonood sa buong daigdig

2021-02-14 13:36:17  CMG
Share with:

Ayon sa pinal na estadistikang inilabas kahapon, Sabado, ika-13 ng Pebrero 2021, ng China Media Group (CMG), pinanood ang 2021 CMG Spring Festival Gala ng 1.27 bilyong tao sa buong daigdig.

 

Ang bilang na ito ay mas malaki kaysa 1.23 bilyon noong isang taon.

 

Ipinakikita rin ng estadistika, na sa nasabing mga manonood, 734 milyon ang nanood sa pamamagitan ng streaming service.

 

Ayon pa rin sa CMG, isinahimpapawid din ang ngayong Spring Festival Gala sa mahigit 600 media ng mahigit 170 bansa at rehiyon ng daigdig, at sa mga pandaigdigang online platform na gaya ng Youtube at Facebook.

 

Salin: Liu Kai

Please select the login method