14℃
Beijing

2 patay, 16 nawawala sa landslide sa East Java, Indonesia

2021-02-15 15:35:22  CMG
Share with:

Dalawa (2) katao ang kumpirmadong nasawi, 14 ang nasugatan, at 16 naman ang nawawala sa landslide at baha, na dulot ng malakas na ulan sa East Java, Indonesia nitong nagdaang Linggo, Pebrero 14, 2021.

 

Isang grupong panaklolo na binubuo ng 200 miyembro ang naipadala ng pamahalaang lokal sa mga apektadong lugar.

 

Papunta na rin sa nasalantang pook ang mga kagamitang panaklolo na gaya ng heavy lifting equipment.

 

Ito ang winika ngayong araw ni Aris Trio Effendi, koordinador ng emergency response unit ng Social Affairs Agency ng Distrito Nganjuk, East Java, nang kapanayamin ng Antara, pambansang ahensiya ng pagbabalita ng Indonesia.

 

Salin: Jade

 

 

 

Koment( Komento)

Please select the login method