Arawang box office ng Tsina sa Taon ng Baka, lumikha ng rekord

2021-02-15 16:39:02  CMG
Share with:

Ang industriya ng pelikula ng Tsina ay lumikha ng kasaysayan, dahil lumampas sa isang bilyong yuan RMB (155 milyong dolyares) ang arawang box office ng bansa nitong tatlong araw na nakalipas.

 

Ayon sa Maoyan, ticket platform ng Tsina, hanggang ngayong tanghali, ikaapat na araw ng Taon ng Baka, umani na ang mga sinehan ng bansa ng mahigit 5.25 bilyong yuan (813 milyong dolyares).

 

Ang tatlong pelikulang nangunguna sa box office ay "Detective Chinatown 3", "Hi, Mom," at "A Writer's Odyssey."

 

Salin: Jade 

Please select the login method