14℃
Beijing

Mga lider ng organisasyong pandaigdig, nagpahayag ng bating pang-Bagong Taong Tsino

2021-02-15 12:34:39  CMG
Share with:

 

 

 

Mga lider ng organisasyong pandaigdig, nagpahayag ng bating pang-Bagong Taong Tsino_fororder_VCG211294285002

Sa okasyon ng pagdirwang ng Spring Festival o Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahan ng mga mamamayang Tsino, ipinaabot ng mga lider ng iba't ibang organisasyong pandaigdig ang kani-kanilang bating pang-Bagong Taong Tsino.

 

Sa kanyang mensaheng pambati, hangad ni Tatiana Valovaya, Pangkalahatang Direktor ng Tanggapan ng United Nations sa Geneva (UN Geneva) ang kaligayahan, kalusugan at kasaganaan ng Taon ng Baka o Year of The Ox para sa lahat.

 

Mga lider ng organisasyong pandaigdig, nagpahayag ng bating pang-Bagong Taong Tsino_fororder___172.100.100.3_temp_9500033_1_9500033_1_6016_e00ec650-7a34-44ed-bd60-d969b805a490

Si Tatiana Valovaya

 

Diin din ni Valovaya, ipinakita ng taong 2020 na kung magkakapit-bisig at magkakaisa tayo, at hindi natin maiwan ang sinuman, malalampasan natin ang anumang hamong kinakaharap ng sangkatauhan. Ipinahayag din niya ang kahalagahan ng taong 2021.

 

Kasabay ng pagpapahayag ng pagbati ng mapagpalang Taon ng Baka, umaasa naman si Daren Tang, Pangkalahatang Direktor ng World Intellectual Property Organization (WIPO) na magsisikap ang WIPO, kasama ng iba pang mga panig para maisakatuparan ang komong interes at mapabuti ang pamumuhay ng sangkatauhan.   

 

Mga lider ng organisasyong pandaigdig, nagpahayag ng bating pang-Bagong Taong Tsino_fororder___172.100.100.3_temp_9500033_1_9500033_1_6016_16607f32-6794-40d1-9807-35505ca426af

Si Daren Tang (kanan)

 

Sa kanya namang mensaheng pambati, hangad ni Houlin Zhao, Pangkalahatang Kalihim ng International Telecommunication Union (ITU), ang saya, buwenas, kalusugan at tagumpay para sa lahat at mga mahal nila sa buhay.  

 

Mga lider ng organisasyong pandaigdig, nagpahayag ng bating pang-Bagong Taong Tsino_fororder___172.100.100.3_temp_9500033_1_9500033_1_6016_efd9245e-9972-4ef2-a4e1-7b9e683564f6

Si Houlin Zhao

 

Bukod dito, ang opisyal mula sa United Nations Institute for Training and Research (UNITAR), mga pirmihang kinatawan sa UN mula sa Malaysiya, India, Iran at iba pang mga bansang dayuhan, puno ng Asian Diplomats' Spouses Association (ADSA), at iba pa ay nagpahayag din ng kani-kanilang pagbating pang-Bagong Taong Tsino.

 

Salin: Jade 

Koment( Komento)

Please select the login method