Tsina at daigdig sa 2021 CMG Spring Festival Gala: Progamang “Landas ng Paghahanap ng Pangarap”

2021-02-16 11:39:58  CMG
Share with:

Sa katatapos na 2021 China Media Group (CMG) Spring Festival Gala, itinanghal ang  isang awiting pinamagatang “Landas ng Paghahanap ng Pangarap.”
 

Ayon sa liriko nito, “Marahil ay marami pa ang kahirapan sa landas ng paghahanap ng pangarap, at marahil, matatagpuan ang  kalungkutan at luha sa landas na ito. Ngunit hindi amababago ng mga kahirapan ang direksyon sa kaibuturan  ng puso, at sa pamamagitan nito, mapagtatagumpayan ang lahat ng kahirapan. Ngayon, kami ay nagpupunyagi  para hanapin ang ating maligayang panahon...
 

Sa mula’t mula pa’y hindi  madali ang pagtahak sa landas ng paghahanap ng pangarap; at kahanga-hanga ang bawat taong lumalakad sa landas na ito.
 

Sa bagong taon, patitingkarin ng mga mamamayang Tsino ang diwa ng “tatlong baka” na kinabibilangan ng paglilingkod sa mga mamamayan na parang "willing ox," pagpapaunlad ng mapanlikhang ideya na parang "brave bull," at masipag na pagpupunyagi na parang "old ox" upang maisakatuparan at abutin ang kanilang pangarap.
 

Sana’y maisasakatuparan mo ang iyong pangarap sa pamamagitan ng walang tigil na pagsisikap.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method