14℃
Beijing

40 rebeldeng Houthi, napatay

2021-02-21 13:00:03  CMG
Share with:

Ayon sa proklamasyong inilabas nitong Sabado, Pebrero 20, 2021 ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Magkasanib na Pamahalaan ng Yemen, 40 rebeldeng Houthi ang napatay nang araw ring iyon ng tropang pampamahalaan sa pambobomba sa probinsyang Marib.

 

Ang probinsyang Marib ay ang pangunahing lugar na nagpoprodyus ng langis ng Yemen.

 

Ito rin ay kontrolado ng koalisyong tropa na pinamumunuan ng Saudi Arabia.

 

Sapul noong nagdaang Enero, di-kukulangin sa ilang daang katao na ang namamatay, at mahigit 400 pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa kaguluhan sa pagitan ng mga rebeldeng Houthi at tropang pampamahalaan ng Yemen.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Koment( Komento)

Please select the login method