14℃
Beijing

Pangulong Tsino, bumati sa Ika-37 Anibersaryo ng Kasarinlan ng Brunei

2021-02-23 15:44:46  CMG
Share with:

Sa okasyon ng Ika-37 Anibersaryo ng Kasarinlan ng Brunei Darussalam, isang mensaheng pambati ang ipinaabot Martes, Pebrero 23, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei.
 

Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Brunei ay matalik na magkapitbansa. Magkakapit-bisig na pinagtatagumpayan ng dalawang bansa ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), bagay na nagpapakita ng matibay na pundasyon at napakalaking resilience ng kanilang estratehiko’t kooperatibong partnership.
 

Aniya, nakahanda siyang magsikap, kasama ni Sultan Bolkiah, at gawing pagkakataon ang ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng bilateral na relasyong diplomatiko at ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyon ng diyalogo ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), upang mapalalim ang sinerhiya ng “2035 Vision” ng Tsina at Brunei Vision 2035, mapasulong ang pagtatamo ng bilateral na relasyon ng bagong progreso, at ihatid ang mas malaking kabiyayaan sa dalawang bansa at kani-kanilang mga mamamayan.
 

Salin: Vera

Koment( Komento)

Please select the login method