14℃
Beijing

Tsina, ipagkakaloob ang pangkagipitang tulong na pagkain sa Ethiopia

2021-02-23 15:58:04  CMG
Share with:

Ipinahayag Pebrero 22, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipagkakaloob ng Tsina ang tulong na pagkain sa Ethiopia para damayan ang mga mamamayan sa rehiyong Tigray.

Tsina, ipagkakaloob ang pangkagipitang tulong na pagkain sa Ethiopia_fororder_W020210222735834428919

Binigyang pansin kamakailan ng komunidad ng daigdig ang kalagayan ng mga tao sa Tigray pagkatapos ng digmaan. Ipinahayag ng pamahalaan ng Ethiopia na nagsisikap ang bansa para simulan ang rekonstruksyon ng Tigray at ipagkaloob ang makataong tulong sa mga lokal na mamamayan.

 

Hinggil dito, ipinahayag ni Wang na bilang kaibigan ng Ethiopia, taos pusong inaasahan ng Tsina na ang lahat ng mga mamamayan ng Ethiopia ay magkakaroon ng kapayapaan, katatagan at kasaganaaan. Suportado ng Tsina ang pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayan ng Ethiopia sa pagpapanumbalik ng produksyon at pamumuhay.

 

Salin:Sarah

 

Koment( Komento)

Please select the login method