CMG Komentaryo: Bakit paulit-ulit na nangyayari ang tradehya sa isang super power?

2021-02-24 15:02:25  CMG
Share with:

Pumalo sa [mahigit] 500 libo ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika nitong Lunes, Pebrero 22, 2021.

 

Samantala, 76 naman ang pinakahuling bilang ng mga Amerikanong namatay sa bagyo sa taglamig sa kasalukuyang taon.

 

Maliwanag na ipinakikita ng mga pangyayaring ito ang nakaka-awang  kalagayan ng mga mamamayang Amerikano sa harap ng pandemiya ng COVID-19 at likas na pakahamakan.

 

Bakit paulit-ulit na nangyayari ang tradehya sa isang super power?

 

Dahil sa gawain at aksyon ng mga politikong Amerikano sa harap ng pandemiya, di-mahirap makita ang kasagutan.

 

Una, “ang pagpapauna sa pribadong kapakanang pulitikal” ay mahalagang sanhi ng pagiging kalamidad ng nasabing dalawang likas na kapahamakan.

 

Kung nananaig ang agham sa pulitika, at nananaig ang buhay ng tao sa pribadong kapakanan, siguradong maiiwasang maging malaking kalamidad ang nasabing mga likas na kapahamakan.

 

Ikalawa, ang sistematikong kakulangan ng political polarization ay dahilan sa likod ng walang tigil na pangyayari ng tradehya sa Amerika.

 

Sa kasalukuyan, ang [kakaunting] political polarization ay nagsisilbing hadlang sa halos lahat ng pampublikong patakaran sa bansa.

 

Kung hindi ipau-una at pahahalagahan ng mga American political elite ang buhay, kaligtasan, at kapakanan ng mga mamamayan, at ipagpapatuloy ang kanilang pamamalakad batay sa egoism, tiyak silang itatakwil ng mga mamamayan sa bandang wakas.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method