Tsina, handang pahigpitin ang kooperasyon sa Colombia sa bakuna kontra COVID-19

2021-02-26 11:50:19  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono sa kanyang Colombian counterpart na si Ivan Duque nitong Huwebes, Pebrero 25, 2021, inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahandaan ng Tsina na palakasin ang kooperasyon sa Colombia sa bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at suportahan hangga’t makakaya ang paglaban ng Colombia sa pandemiya.
 

Diin ni Xi, dapat patuloy na katigan ng kapuwa panig ang isa’t isa, pabutihin ang sinerhiya ng Belt and Road Initiative at Colombia-China Initiative, patibayin ang tradisyonal na kooperasyon sa mga larangang kinabibilangan ng enerhiya, imprastruktura at telekomunikasyon, samantalang aktibong palawakin ang kooperasyon sa mga bagong larangang gaya ng industriyang agrikultural at paghahayupan, bagong enerhiya, digital economy, may inobasyong industriya at iba pa.
 

Saad naman ni Duque, ikinasisiya niya ang mainam na pag-unlad ng bilateral na relasyon, lalong lalo na, masaganang bunga ng kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng dalawang bansa.
 

Pinasalamatan niya ang ibinigay na suporta ng panig Tsino para sa pagpuksa ng Colombia sa pandemiya ng COVID-19. Aniya, ang mga bakunang ipinagkaloob ng panig Tsino ay makakatulong sa pagliligtas ng maraming buhay, bagay na nagpapakita ng matibay na pagkakaibigan at pagtitiwalaan ng dalawang bansa.
 

Inaasahan ng panig Colombian na patuloy na palalakasin ang kooperasyon sa panig Tsino sa bakuna kontra COVID-19, dagdag niya.
 

Salin: Vera

Please select the login method