14℃
Beijing

600,000 dosis ng bakuna kontra COVID-19 na kaloob ng Tsina, dumating na sa Manila

2021-02-28 16:11:07  CMG
Share with:

Pangako ng Tsina sa Pilipinas, natupad; 600,000 dosis ng bakuna kontra COVID-19, dumating sa Manila

 

Animnaraang libong (600,000) dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na kaloob ng Tsina sa Pilipinas, at gawa ng Sinovac Biotech Ltd. (Sinovac) ang dumating ngayong araw, 4:10 PM, Pebrero 28, 2021, sa Villamor Airbase, Pasay City.
 
 
Lulan ang mga bakuna ng isang eroplano ng People's Liberation Army (PLA) Air Force ng Tsina.
 
 
Ito ang katuparan ng pangako ng Tsina sa panahon ng opisyal na pagdalaw ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, noong nagdaang Enero 2021.
 
 
Isang seremonya ng paghahandog ang idaraos sa paliparan, na sasaksihan nina Pangulong Rodrigo Duterte, ilang miyembro ng kanyang gabinete, Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, at ibang mga opisyal ng embahada.
 
 

Edit: Jade

Larawan: PCOO

Koment( Komento)

Please select the login method