Pangulo ng Iran, nanawagan sa iba’t-ibang panig na ipatupad ang kasunduang nuklear

2021-03-08 10:45:17  CMG
Share with:

Nanawagan nitong Linggo, Marso 7, 2021 si Pangulong Hassan Rouhani ng Iran sa iba’-ibang panig na tupdin ang resolusyon bilang 2231 ng United Nations Security Council (UNSC) para mapanumbalik ang pagpapatupad ng komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran.

 

Sinabi ni Rouhani, na sa proseso ng pangangalaga sa nasabing kasunduan, ang Iran ay ang tanging panig na nagbabayad ng kapinsalaan.

 

Hindi dapat magpatuloy ang kalagayang ito, dagdag niya.

 

Hiniling din niya sa Amerika na alisin ang sangsyon laban sa Iran.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method