Xi Jinping: Buong lakas na bawasan ang carbon emissions at isakatuparan ang carbon neutrality

2021-03-16 16:24:09  CMG
Share with:

Xi Jinping: Buong lakas na bawasan ang carbon emissions at isakatuparan ang carbon neutrality_fororder_20e672f32883426d8688adf55c9

 

Binigyang-diin kahapon, Lunes, ika-15 ng Marso 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na dapat buong lakas na buuin ang mga plano, para isakatuparan ang berdeng pag-unlad, isa sa mga pangunahing target sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa sa loob ng darating na limang taon.

 

Winika ito ni Xi sa kanyang talumpati sa ika-9 na pulong ng Sentral na Komite sa mga Suliraning Pinansyal at Ekonomiko.

 

Para isakatuparan ang naturang target, hiniling niya sa pamahalaan na ilabas ang mga may kinalamang patakaran at hakbangin, at sa pamilihan din na palakasin ang inobasyong pansiyensiya at panteknolohiya.

 

Noong isang taon, iniharap ng Tsina ang mga target, na aabutin ang peak carbon emissions sa taong 2030, at isasakatuparan ang carbon neutrality sa 2060.

 

Dagdag niya, kinakailangan din ang malawak at malalim na sistematikong rebolusyong pangkabuhayan at panlipunan, para isakatuparan ang mga target na ito.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method