Mga dalubhasa ng Tsina at WHO, magkasamang sinuri ang mga datos kaugnay ng coronavirus —panig Tsino

2021-03-18 16:04:17  CMG
Share with:

Kaugnay ng duda kamakailan ng ibang panig hinggil sa di-umano’y di-sapat na transparency ng panig Tsino sa dumalaw na delegasyon ng mga dalubhasa ng World Health Organization (WHO) at hindi pagbabahagi ng lahat ng mga orihinal na datos, sinabi nitong Miyerkules, Marso 17, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa proseso ng magkasanib na paghahanap ng pina-ugatan ng coronavirus, magkasamang sinuri ng mga dalubhasa ng kapuwa panig ang mga datos.
 

Maraming beses aniyang isinalaysay ng mga dalubhasang Tsino’t dayuhan ang kaukulang kalagayan hinggil sa pagbabahabi ng mga datos.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method