14℃
Beijing

Thongloun Sisoulith, bagong Pangulo ng Laos

2021-03-23 16:47:02  CMG
Share with:

Nahalal bilang Pangulo ng Laos si Thongloun Sisoulith, Pangkalahatang Kalihim ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP), sa unang sesyon ng Ika-9 na Pambansang Asembleya na idinaos Marso 22, 2021 sa Vientiane, Laos.

 

Samantala, nahalal bilang Punong Ministro ng Laos si Phankham Viphavanh, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng LPRP.

 

Ang halalan ng Ika-9 na Pambansang Asembleya ng Laos ay idinaos noong nagdaang Pebrero, at 164 na kinatawan ang inihalal. 

Thongloun Sisoulith, bagong Pangulo ng Laos_fororder_laos

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Koment( Komento)

Please select the login method