Pakikiramay, ipinahayag ni Xi Jinping sa yumaong dating Pangulo ng Tanzania

2021-03-24 11:05:13  CMG
Share with:

Ipinadala Marso 23, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mensahe kay Samia Suluhu Hassan, bagong Pangulong ng Tanzania, para ipahayag ang pakikiramay sa pagyao ni John Pombe Magufuli, dating Pangulo ng bansa.

 

Ani Xi, si Magufuli ay matalinong lider ng Tanzania, at nagbigay ng positibong ambag para sa pagkakaibigan at kooperasyon ng Tsina at Tanzania, at Tsina at Aprika.

 

Aniya pa, pinahahalagahan ng Tsina ang malalim na tradisyonal na pagkakaibigan sa Tanzania, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Tanzania, para palalimin ang komprehensibong partnership ng dalawang bansa para magdulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method